TRO kontra NCAP, inilabas ng Korte Suprema

PANSAMANTALANG pinatigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) at iba pang kahalintulad na ordinansa sa lungsod ng Maynila matapos na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Kataas-taasang Hukuman.

Sa ginanap na SC en banc court session, inaksyunan ng tribunal ang petisyon ng Kilusan sa Pagbabago ang Industriya ng Transportasyon, Inc (KAPIT) laban sa implementasyon NCAP.

Isa sa mga respondent sa nabanggit na petisyon ay si Manila Mayor Honey Lacuna at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Agad na magiging epektibo ang TRO at mananatili hanggang walang kautusan ang SC na muling ibalik ang implementasyon ng NCAP.

Itinakda ng SC ang oral arguments sa naturang usapin sa Enero 24, 2023.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.