Breaking News

Share this information:
IPINAALALA ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga biyehero na ang kasalukuyang travel restrictions sa walong bansa ay mananatili hanggang Hulyo 31.

Ang mga bansang ito ay ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, at ang United Arab Emirates at kamakailan ay isinama na din ang Indonesia.

"With the recent inclusion of Indonesia, the temporary ban now covers eight countries," ayon kay Morente.

Sa advisory ng BI, lahat ng mga nanggagaling sa nabanggit na walong bansa, gayundin ang mga may travel history sa nasabing mga bansa sa loob ng 14 araw mula ng sila'y dumating ay hindi papayagan na makapasok ng bansa.

"Because of this temporary travel restriction, anyone coming from said countries will be excluded, meaning they will be denied entry and returned to their port of origin immediately on the next available flight," ayon pa sa BI Chief.

Pero klinaro ni Morente na hindi kasama sa travel ban ang mga transiting passengers.

“Considered transiting are passengers who were there only for a layover, and were not admitted by immigration authorities in the banned country,” ayon kay Morente.
 
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na ang extended at expanded travel restrictions ay naipaalam na sa lahat ng airlines.

"We appreciate the assistance of the airlines in not boarding anyone coming from the 8 countries," ani  Capulong. "Lest they be turned back which would be an added expense for the airlines," dagdag pa nito.

Ang isang pasahero na hindi pinayagan ng BI na makapasok ay responsibilidad na ng airline at dapat siguraduhin nito na ibabalik niya ang kanyang pasahero.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: