Traslacion 2023, kanselado pa rin ayon sa Quiapo Church

Share this information:

SUSPENDIDO pa rin ang tradisyonal na Traslacion para sa selebrasyon ng pista ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, 2023.

Ayon sa Social Communications ng Quiapo Church, bagama’t tuloy-tuloy ang ginagawa nilang paghahanda para sa selebrasyon ay sigurado naman na hindi parin magsasagawa ang simbahan ng tradisyonal na Traslacion. 

Dagdag pa, patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa preparasyon ng kapistahan ng Quiapo.

Paalala ng Simbahan sa publiko at mga deboto na mag-antabay lamang sa kanilang mga anunsyo para sa mga aktibidad na ilalatag hinggil dito. 

Nanatiling layunin anila na maipagdiwang ang pista ng Poong Itim na Nazareno ng maayos at ligtas ang bawat isa. 

Kaya bagama’t tuloy ang selebrasyon sa susunod na taon ay kanselado pa rin ang taunang Traslacion.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.