Tomboy, nagsaksak sa sarili

Share this information:

NAGTANGKANG magpakamatay ang isang 28-anyos na tomboy matapos magsaksak sa kanyang sarili sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Joel Villanueva, si Jizelle Lamboson, ng 33 Guava Road, Brgy. Potrero, ay isinugod ng kanuang mga kaanak sa Jose Reyes Memorial Hospital kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng tinamong saksak sa tiyan.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Janice Lamboson, 38 anyos, kay homicide investigator PMSgt.. Julius Mabasa, habang nag-iinuman sila sa loob ng kanilang bahay sa celebration ng Mother’s Day ay kinompronta ng kanyang kapatid ang kanilang kapatid na lalaki na si Jayner at naglabas ng kanyang mga hinaing sa huli.

Matapos nito, nagtungo ang biktima sa kusina dakong alas 11:40 ng gabi at kumuha ng kitchen knife saka sinaksak ang kanyang sarili sa harap ng kanyang 68-anyos na ama na si Jose at kapatid na babae.

Ani PMSgt. Mabasa, ang biktima ang breadwinner ng pamilya at masama ang loob niya sa kapatid niyang lalaki dahil siya lang daw ang nagtatrabaho.

Sinabi pa ni Mabasa na gumawa ang pamilya ng biktima ng isang waiver na nagsasaad na hindi na sila interesado sa anumang imbestigasyon ng pulisya dahil naniniwala sila na ang tinamong sugat ng biktima ay self-inflicted

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.