Breaking News

Share this information:

OLONGAPO CITY– Tatlong pinaghihinalaang drug pusher at kasamang drug listed individual ang nalaglag sa kamay ng batas matapos ang anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad dito sa lungsod nitong June 9, 2021

Ang operasyon na naging dahilan para mahuli ang mga suspek ay dahil sa pina-igting na kampanya kontra sa ilegal na droga,

Base sa report ni Jeric Villanueva, Acting City Director, Olongapo City Police Office (OCPO), sa pinagsanib na pwersa ng City Police Drug Enforcement unit (CPDEU), OCPO at PS4-Station Police Drug Enforcement Unit (SPDEU) na nagsagawa ng buy-bust operation sa loob ng compound ng mga suspek sa J. Luna St., Purok 2, New Cabalan, Olongapo City, nagresulta ito sa pagkahuli nina Reynaldo Pacamara y Soliva, lalake, 42 anyos, binata; Maverick Esguerra -lalake, 19 anyos, binata, residente ng Purok 2, New Cabalan, Olongapo City; at Julius Zaragoza y Villanueva @Julius, drug listed individual, lalake, 40 years old, binata, residente ng #15 Adamos St, Block 3, Gordon Heights, Olongapo City.

Nakuha sa tatlong suspek ang 12 paketeng plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang sa 50 gramo na nagkakahalaga ng P340,000 at P500 bill bilang marked money.

Nahaharap ang tatlo sa kasong violation ng Secs. 5 & 11, Art II ng RA 9165.

“Kami ay nagpapatuloy sa aming proactive na kampanya laban sa anong katiwalian sa ilegal na droga dito sa ating rehiyon at hindi kami titigil hangga’t hindi namin makamit ang mithiing maging drug-free ang Central Luzon,” saad ni PBGen. Valeriano de Leon, Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: