Swedish child rapist arestado ng NBI

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang isang 
Swedish national na child offender sa Angeles City, Pampanga.

Iniharap ni NBI Director Jimmy Santiago sa pulong-balitaan ang dayuhang si Heinz Henry Andreas Berglund na suspek sa panghahalay sa 10-taong gulang sa Sweden noong 2021.

Si Berglund ay nahaharap sa 2 counts Rape of a Child, Preparation to Rape of a Child (Chapter 6, Section 4), Gross Sexual Assault of a Child (Chapter 6, Section 6) at  Child Pornography Offence (Chapter 16, Section 10a), sa ilalim ng Swedish Criminal Code.  

Ang pagtugis ay nakarating sa natanggap na impormasyon mula sa Swedish Police Authority (SPA) sa pamamagitan ng Homeland Security Investigations (HSI) kaugnay sa nasabing Swedish child-sexual offender.

Magkasamang puwersa ng NBI – Violence Against Women and Children Division, BI– Fugitive Search Unit, nang hulihin si Bergland sa Ambassador Suites, sa Angeles, Pampanga.

Buwan ng Marso 18 ng taon kasalukuyan nang dumating siya sa bansa at Marso 25 nang ilabas ang mission order sa NBI at Marso 31 nang matanggap ang warrant of arrest na inisyu ng Prosecutor ng Sweden, na sinundan ng pagkansela ng kaniyang pasaporte.

Convicted rin sa serious financial fraud in 2009 and 2003 ang dayuhang si Berglund.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.