Surigao del Sur niyanig ng magnitude 6 na lindol

NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 6 na lindol sa bayan ng San Agustin, Surigao del Sur, umaga ng Lunes.

Dakong alas-6:37 ng umaga nang maramdaman ang pagyanig na may lalim na 54 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity VI sa Hinatuan, Surigao del Sur; Intensity V sa San Agustin, City ng Bislig, Lianga, at Lingig, Surigao del Sur; Bayugan City, Rosario, Talacogon, San Francisco, at Santa Josefa, Agusan del Sur; habang Intensity IV sa Bayabas, Borobo, Cagwait, Lanuza, Marihatag, at Tago, Surigao Del Sur; Laak, Mabini, Maco, Maragusan, Mawab, Monkayo, Nabunturan, at Pantukan, Davao de Oro; Butuan City.

Samantala, Intensity III ang naitala sa Carmen, Madrid, at Tandag City, Surigao del Sur; Cagayan de Oro City; Tagoloan, Villanueva, Balingasag, Misamis Oriental; Mati City, Davao Oriental; Tagum City, Davao del Norte; San Francisco, at San Ricardo, Southern Leyte; Socorro, Surigao del Norte; Intensity II sa Carrascal, Cortes, at Tagbina, Surigao del Sur; El Salvador City, Initao, Lugait, Manticao, Misamis Oriental; Davao City; Dapa, General Luna, Mainit, at Surigao City, Surigao del Norte; San Jose, Dinagat Islands; Panabo City, Davao del Norte; Pintuyan, Southern Leyte; at Intensity I sa Iligan City.

Some school buildings in Surigao del Sur have been found to have suffered cracks after a Magnitude 6.0 earthquake hit the province on Monday.

Ilang aftershocks din ang naitatala ng Phivolcs habang may mga napaulat ding pinsala na dulot ng lindol.

Iniahayag ni Surigao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief Abel de Guzman, na mayruong school buildings sa Surigao del Sur ang nagkaroon ng crack o bitak dahil sa lakas ng lindol.

Napinsala rin ang ilang multi-purpose halls at residential houses.

 “So far, based sa report natanggap natin… masasabi natin na mga minor damages ang naitala,” ayon kay de Guzman sa panayam sa radyo.

Wala pang naiuulat na nasawi sa lindol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.