Breaking News

Share this information:

TINATAYANG nasa limang-daang bahay ang natupok sa sunog na naganap sa Port Area, Manila.

Batay pa sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa isang libong pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula pasado alas-singko ng hapon at iniakyat sa ikatlong alarma bago idineklarang fire under control alas-7:44 ng gabi.

Ayon sa Manila BFP, nagsimula ang apoy sa apat na palapag na bahay ng isang Hadji Usman sa 11 Street, kanto ng RailRoad Street, Port Area.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagsiklab ng apoy at hindi pa tukoy ang halaga ng naging pinsala ng sunog.

Sa paunang ulat ng BFP, walang nasugatan sa insidente bagamat nauna na ring nabatid mula sa Philippine Red Cross na mayroon silang narespondehan na tatlong nasugatan sa sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: