Sundalo, patay sa hit and run sa Quezon

Share this information:

Dedbol ang isang miyembro ng Philippine Army makaraang masagasaan at takasan sa Maharlika Highway, bayan ng Tiaong sa Quezon, Sabado ng gabi.

Tinukoy ng Tiaong Police ang pagkakakilanlan ng biktima ng hit and run na si Army Corporal Arnel Ricamara, 41-anyos.

Batay sa paunang imbestigasyon, lulan ng kanyang motorsiklo na bumabagtas ng nabanggit na highway sa bisinidad ng Barangay Lusacan si Ricamara nang salpukin ng isa pang sasakyan dakong alas-onse ng gabi.

Nagtamo ng matinding mga sugat sa katawan at ulo ang biktima at nasawi habang itinatakbo sa pagamutan.

Mabilis na tumakas ang drayber ng sasakyang nakabangga sa sundalo na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.