NAGUUMAPAW ang tuwa at galak ng mga lolo at lola sa bayan ng Hermosa, Bataan dahil sa maagang ng kanilang kumpletong social pension na inilaan sa lahat ng mga senior citizens para sa 3rd quarter ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, nasa kabuuang 889 ang bilang ng mga senior citizen na tumanggap na ng biyaya mula sa gobyerno na nagdulot sa kanila ng kagalakan.
Ayon sa mga Hermoseño, ang kanilang kagalakan ay para din sa maayos na pagpapatupad ng programang pang-inprastraktura, hanapbuhay at ekonomiya, pati na sa maayos na serbisyong panlipunan na handog sa lahat ng sektor.
Hindi naman nakaligtaan ang mga lolo at lola na siyang huling nabahaginan ng ayudang pinansiyal sa tulong ng Department of Social Welfare and Development at ng Sangguniang Bayan ng Hermosa.