Sinovac, Sputnik V mass vaccination sa Maynila, suspendido muna

Share this information:

SUSPENDIDO muna ang mass vaccination ng Sinovac at Sputnik V sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Cesar Chavez, Chief of Staff ni Manila Mayor Francisco Domagoso, na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis (COA) na ilalabas ng Department of Health (DOH) mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy ang pagbabakuna sa lungsod.

Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac mula sa China ngunit pansamantalang nasuspinde ang vaccination dahil sa kakulangan pa ng dokumento para sa pagpapatuloy ng bakunahan.

Huling mass vaccination sa Maynila ay ginanap noong Hunyo 26 at hanggang ngayon ay wala pang bagong iskedyul ng bakunahan sa mga vaccination sites.

Agad naman umanong sismulan muli ang pagbabakuna sa sandaling mai-release na ng DOH ang COA ng Sinovac.

Samantala, wala ring isasagawa na second dose vaccination para sa mga indibidwal  na una nang nabakunahan gamit ang Sputnik V vaccine dahil wala pang suplay mula sa pambansang gobyerno.

Umabot naman na sa 440,155 indibidwal ang nakatanggao na ng kanilang first dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Nasa 158,260 naman ang fully vaccinated o yaong mga nakakumpleto na ng kanilang bakuna.

Ang bilang na ito, ayon sa Manila Public Information Office, ay mula sa bilang ng nakatanggap na ng first dose.

Ayon kay Mayor Domagoso, kabilang sa mga naturukan na ay ang mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, essential workers at indigent persons o mga kabilang sa  priority groups na A1 hanggang A5.

Patuloy naman aniya ang pagbabakuna sa Maynila upang maabor ng target na population protection.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.