‘Second chance’ sa buhay ng bawat PDL, binigyang halaga ng BuCor

PARA suportahan ang persons deprived of liberty (PDLs), naglunsad ang Bureau of Corrections (BuCor) ng Blue at Red Ribbon na proyekto sa pamamagitan ng kamalayan sa reintegration, pagbabawas ng stigma, at after-care support kamakailan.

Binigyang highlight ni Director General Gregorio Catapang Jr. na ugat ng proyektong “Highlighted the yellow ribbon” movement ng Singapore, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-asawa, pagtanggap at paniniwala na ang bawat isa ay karapat-dapat ng second chance upang mabuhay.

Kasama dito ang pagtatayo ng halfway houses sa lahat ng pinatatakbong prisons at penal farm sa bansa, na hindi lamang magsisilbing transitional residences, kundi upang bigyang seguridad din ang mga PDL na naghihintay ng kaunting panahon para sa paglaya.

Magbibigay rin ng koneksyon ang reintegrated individuals na magkaroon ng pagkakataon sa trabaho, edukasyon , mga pagkakataon sa pagpapagaling, sa layuning alisin ang stigma na kadalasang kinakaharap ng mga nakalaya na.

Samantala, nasa 736 PDLs ang napalaya mula Hulyo 4-30, na may kabuuang 25,304 sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ang proyekto ay naglalayong itaguyod ang community-based na rehabilitasyon at inclusive reintegration.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.