Pulis na lider ng sindikato sa Batangas, patay sa engkuwentro

Share this information:

PATAY sa pakikipagbarilan sa pulisya ang sinasabing lider ng isang sindikato sa pagsisilbi ng warrant sa kanyang bahay sa Batangas Miyerkules ng gabi.

Ang napatay na suspek na nag-awol sa pagka pulis ay nakilalang si Police Staff Sergeant Anthony Cubos alyas “Big Boss” na mastermind din sa panghoholdap at pagpatay sa company messenger na si Nino Luegi Hernando sa Valenzuela City noong Oktubre 2020 kung saan tinangay sa biktima ang mahigit P500,000.00 cash na pera ng kumpanya.

Batay sa ulat mula kay PNP-OIC Police Lt. General Guillermo Eleazar, armado ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Lipa City Police, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Valenzuela City Police Station Special Operations Unit ng ikasa ang operasyon laban kay Cubos.

Hindi pa nakakalapit ang mga operatiba sa bahay ni Cubos ng bigla silang paputukan nito hanggang mauwi na sa barilan na ikinasawi ng naturang lider ng organized crime group.

Ayon kay Eleazar, sangkot umano ang grupo sa ilang serye ng kidnapping, robbery extortion, gun-for-hire at illegal drug activities sa malaking bahagi ng Batangas at maging sa kamaynilaan.

Nabatid pa na kabilang si Cubos at grupo nito sa PRRD Level 3 at PNP-National Drug Watch List ng pushers at protektor ng illegal drugs. Sya ang sinasabing mastermind sa pagpatay kay Nino Luegi Hernando na ninakawan ng halos kalahating milyong piso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.