Proseso ng bidding para sa BSKE ballot box, sinimulan na — Comelec

Share this information:

SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang proseso ng bidding para sa pagkuha ng mahigit 22,000 ballot box para sa barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

Batay sa invitation to bid na inilabas ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Comelec ngayong Biyernes, sinabi ng poll body na nagsimula na noong Setyembre ang pagbebenta at pag-isyu ng mga dokumento sa bidding.

Ang mga interesadong bidder ay maaaring makuha ang dokumento na nagkakahalaga ng P50,000 sa BAC Secretariat Office, Procurement Management Department ng Comelec sa Intramuros, Maynila mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado.

Ang pre-bid conference ay gagawin naman sa Setyembre 14 ng alas 10 ng umaga sa pamamagitan ng online gamit ang Microsoft Teams, isang kilalang app para sa mga online meeting.

Mangangailangan ang poll body ng 22,054 unit ng ballot box sa P5,000 kada unit para sa kabuuang aprubadong budget na P110.27 milyon.

Dapat na matanggap ng BAC Secretariat ang mga bid sa pamamagitan ng online o electronic submission bago ang o sa mismong Setyembre 28 sa ganap na alas 8 ng umaga.

Ang pagbubukas ng mga bid ay gaganapin sa Setyembre 28 sa alas 10 ng umaga sa online sa pamamagitan din ng Microsoft Teams.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.