Breaking News

Share this information:

PITONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang dalawang bebot, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Roy Hubilla, 45 anyos, welder, Jimmyboy Yumul, 38 anyos, Noel Villafranca, 33 anyos, Fortfred Bangan, 33 anyos, Daniel Quijano, 23 anyos, Aireen Macaraeg, 24 anyos, at Jheannewhyne Dela Cruz, 22 anyos.

Sa report ni SDEU investigator PSMSgt. Fortunato Candido kay City Chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-12:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo ng buy-bust operation kontra kay Hubilla sa kanyang bahay sa 130 C. Molina St. Block 4, Brgy., Veinte Reales.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Hubilla matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer habang naaktuhan naman ang anim pang mga suspek na sumisinghot umano sa shabu sa loob ng bahay.

Nasamsam sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, buy-bust money, P1,000 recovered money, 3 cellphone at ilang drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa paglabag sa Sec 5, 11, 12 at 15 sa ilalim ng Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: