Breaking News

Share this information:

NAGPOSITIBO sa South African variant ng COVID-19 ang isang pasyente sa Davao Oriental.

Kinumpirma ito ni Department of Health (DOH) Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum ng DOH at edad 63 ang pasyenteng lalaki.

Mayroon aniyang comorbidities na hypertension at diabetes ang pasyente.

Ayon kay Vergeire, tinamaan ng COVID-19 ang pasyente at nang isalang sa sequencing ay nagpositibo sa South African variant.

Namatay naman ito noong  May 17, 2021.

Pero agad pinawi ni Vergeire ang anumang posibleng pangamba o takot na idulot nito sa publiko.

Aniya, ang pasyente ang “very vulnerable” at maaaring naging factor ang mga sakit nito sa nangyari sa kanya o ng kanyang pagkamatay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: