Pamamahagi ng ayuda sa mga taga-Metro Manila, nakumpleto na – DILG

NABIGYAN na umano ng tulong pinansyal ang lahat ng mga pamilya sa National Capital Region (NCR) na apektado ng pagpapatupad ng lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) nuong Agosto.

Iniulat ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na umabot ng kabuuang 11,226,946 na indibidwal sa NCR ang nakatanggap ng cash assistance na tig-P1,000.

Gumastos aniya ng national government ng P11.226 bilyon sa distribusyon ng ayuda sa Metro Manila na pinondohan ng P11.256 bilyon.

Samantala sa labas ng Metro Manila, patuloy pa ang pamamahagi ng ayuda sa Laguna na nasa 87.02% na ang distribution rate o kabuuang 2.362 milyong recipients.

Nasa 61.73% naman ang distribution rate sa Bataan o may 431,054 na ang nakatanggap ng cash aid. Una nang isinailalim sa ECQ ang Metro Manila nuong Agosto 6 hanggang 20 dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dulot ng Delta variant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.