TINUTULAN ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa ang pagsasa-pribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng pamamahala ng New NAIA Infra Corporation (NNIC).
Dumalo sa pulong balitaan sa NAIA ang National Confederation of Labor, Unlad Pamilya OFW, Political Officers League of the Philippines, BMP, Socialista, Samahang Mangagawa ng Paliparan ng Pilipinas na parehong apekatdo sa pagpapapribado ng NAIA.
Sigaw ng mga iba’t ibang grupo
na ipatigil ang taas singil sa paliparan serbisyo hindi negosyo ang dapat gawin.
Kinuwestiyon ng mga grupo ng Samahang Manggagawa ng Paliparan ng Pilipinas na si Gilbert Bagtas ang mabilis na pag apruba sa pagsasapribado sa paliparan na isinantabi aniya sa kasunduan ang mga manggagawa at sa halip na serbisyo ay negosyo ang ginawa kung saan ang mga pasahero at mangagawa ang tunay na nagdurusa.
Ayon pa sa grupo na wala umanong naganap na public consultation sa pagsasapribado sa NAIA.
Idinagdag pa ng grupo ang Administrative order no. 1 s 2024 na pinayagan ang New NAIA (NNIC) na magtakda ng sarili nitong non regulated fees tulad ng pagtataas ng parking fees , lounges at renta ng mga tindahan na dating nasa kontrol ng gobyerno na ngayon ang kita ay mapupunta sa bulsa ng pribadong korporasyon.
Binigyan diin ni Ka Leody de Guzman na labor rights activist na walang rate sa pagsasapribado ng mga pag-aari ng gobyerno na matagal na niyang tinututulan.
Inihalimbawa pa nito ang pagsasapribado ng Meralco, tubig at iba pang dating pag aari ng gobyerno na halos tumaas na ang singil at ang mamamayan ang nagdurusa. Aniya, ito ang mga dahilan kung bakit noon pa man ay tutol na siya sa pagsasapribado ng ilang serbisyo at pag aari ng gobyerno, dahil walang iba umanong layunin ang mga private corporation kundi ang kumita umano ng higit pa sa doble sa halip na serbisyo ang ibigay sa tao.

