Pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quiapo, bawal muna

Share this information:

IPAGBABAWAL muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan.

Ito ay matapos lagdaan ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang City Ordinance 5555.

Magsisimula ang liquor ban simula sa Enero 8 ng alas-sais ng umaga hanggang Enero 10 ng alas-sais din ng umaga.

Apela ng pamahalaang lungsod sa publiko sa nasabing Kapistahan na wala munang inuman hangga’t maaari at makiisa sa gobyerno upang sa gayon ay hindi na lalo pang kumalat ang COVID-19 lalo na ngayong tumataas ang mga kaso dahil sa Omicron variant.

Nanawagan din ang alkalde sa mga deboto na maaaring sa bahay na lamang magdasal at huwag nang magtungo pa sa simbahan para na rin sa kanilang kapakanan at kalusugan.

Inaasahan niyang dadagsa ang mga deboto kaya naman nakikiusap ito na makiisa ang lahat dahil may mga itatalaga ring mga kapulisan sa paligid ng Quiapo upang magbantay at mapanatiling nasusunod ang health protocol.

Napagkasunduan na rin ng pamahalaang lungsod at pamunuan ng Simbahan na walang physical mass ngunit mayroon naman online mass.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

New COVID-19 cases nearly double in a day at 10,775

Wed Jan 5 , 2022
THE Department of Health (DOH) logged 10,775 new COVID-19 infections today, almost double from yesterday’s 5,434 count, according to the DOH COVID-19 Case Bulletin issued today, January 5, 2022. With this, the total number of COVID-19 infections in the country is now at 2,871,745 cases. Active cases, on the other […]
%d bloggers like this: