P10,000 ayuda sa OFW na may COVID-19 – DOLE

MAAARING makatanggap ng hanggang tinatayang P20,000 o US$400 ang bawat Overseas Filipino Worker (OFW) na nagpositibo sa COVID-19 sa ibayong dagat.

Tiniyak ito ni DOLE-International Labor Affairs Bureau Director Alice Visperas sa harap na maraming mga Pilipino rin ang tinamaan ng virus infection tulad sa Hong Kong.

Sinabi ni Visperas na kasabay ng pag-aalaga sa mga OFW na may COVID-19 habang sila ay nasa quarantine facility ay bibigyan sila $200 o mahigit P10,000 na magagamit matapos nilang gumaling sa sakit.

Sakali namang may maging problema sa pasilidad na pinaglagyan sa OFWs, sinabi ni Visperas na mayruon ulit na dagdag na $200 na tulong sa kanila bukod pa ito sa livelihood assistance pag-uwi ng bansa.

Tinukoy ni Visperas na sa pinakahuling datos, sa 41 COVID-19 positive na OFWs sa HongKong, dalawa na lang ang nananatili sa mga ospital.

Kasabay nito, itinanggi ng DOLE na napabayaan ang mga OFW sa HongKong na nagpositibo sa COVID-19 dahil umano nakikita silang nasa kalye na natutulog.

Ayon kay, may mga OFW na tapos na ng kontrata ng trabaho at maagang nagtungo ng airport habang naghihintay ng resulta ng kanilang COVID-19 test bago bumiyahe pabalik ng Pilipinas.

Gayunman, nang malaman na nagpositibo ang ilan sa kanila habang nasa airport ay hindi aniya sila pinayagan na magbiyahe sa pampublikong transportasyon at punuan na rin ang ospital sa HongKong kaya’t kinailangang hintayin nila ang maghahatid na ambulansya patungo sa mga quarantine facility para magpagaling.

“Those 41 cases, most of them are finished contracts…naturally when you have Covid-19 you can’t ride public transportation, so they have to wait for the ambulance to come and get them. So this is probably what they say that they are on the street and they are waiting to be picked up by an ambulance,” ayon kay Visperas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.