Nasabat ang nasa isang milyon pisong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation Martes ng gabi sa Balanga City, Bataan
Sa report ni Police Major Sonia Alvarez, hepe ng Balanga City PNP, kay Bataan PNP Director Police Col. Jesus Rebua, nakilala ang nadakip na si Jackson Gregorio, 39, sales agent, residente ng Pilar, Bataan at kasama sa drugs watch list ng Orion Municipal Police station.
Nakuha sa suspek ang 250 gramo ng hinihinalang shabu, na may market value na isang milyong piso, 5,000 pesos marked money, digital weighing scale, at baril na berretta pistol.
Dinala ang mga ebidensya at suspek sa himpilan ng Balanga Police station para sa dokumentasyon sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.