Breaking News

Share this information:

SA ikatlong sunod na linggo ay muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Apatnapung sentimo sa kada litro ng gasolina, 35-sentimo sa kada litro ng diesel at 15-sentimo sa kada litro ng kerosene ang ipatutupad ng Pilipinas Shell, Flying V, Petron, Phoenix, Seaoil at Caltex simula alas-sais ng umaga bukas.

May katulad na oil price adjustments din ang Petro Gazz, PTT Philippines at Total Philippines ngunit walang paggalaw sa halaga ng kanilang kerosene.

Samantala, magdaragdag naman ng 30-sentimo sa kada litro ng diesel at gasolina ang Cleanfuel simula alas-kuwatro ng hapon.

Ang pagbabago sa presyuhan ng petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: