Breaking News

Share this information:

PINASINAYAAN na ngayon sa kauna-unahang Muslim Islamic Cemetery sa lungsod ng Maynila.

Ang Muslim Islamic Cemetery ay matatagpuan sa Manila Couth Cemetery na may lawak na 2,400 square meter burial ground at mayroong 378 libingan, isang mosque at isang cultural hall.

Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni Mayor Francisco Domagoso na ang pagtatayo ng sementeryo ng mga kapatirang muslim ay katuparan sa binitawang pangako kay Ghadzali Jaafar nuong panahon na hindi pa siya alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Aniya, magsisilbi itong libingan ng mga kapatid na Muslim  na naninirahan sa Maynila upang hindi na sila kailangan pang ibyahe sa kani-kanilang mga probinsya.
 
Sinaksihan naman ng mga ambassador at moyembro ng Muslim diplomatic community ang pagpapasinaya sa makasaysayang Islamic Cemetery ang Cultural Arts .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: