MPT-South naghatid ng tulong sa komunidad na apektado ng malawakang pagbaha

NAGBIGAY ng tulong ang Metro Pacific Tollways South (MPT South) sa mga naapektuhan ng Habagat at Bagyo sa mga komunidad  na napinsala sa bahagi ng Metro Manila, Cavite, at Laguna.

Agad nakipag-ugnayan ang MPT South sa mga local government units (LGU) ng expressways’ alignment communities para ipamahagi ang kabuuang 3,000 relief packs sa mga pamilyang pansamantalang inilikas dahil sa malawakang pagbaha.I

Inanunsyo rin ng kumpanya ang balak nitong palawakin ang suportang ito para sa public utility vehicle (PUV) drivers at operators na dumadaan sa CAVITEX kung saan ang kanilang kabuhayan at mobilidad ay natigil din ng ilang araw bunga ng walang tigil na pag-ulan.

“We’re more than just a tollway operator. We are part of these communities—committed partners and neighbors who show up, especially in times of crisis,” pahayag ni Elnora D. Rumawak, Officer-in-Charge ng MPT South. “We understand the hardships that our communities are facing, and their burden.”

Bahagi ng MPT ang inisyatibong relief sa mas malawak nitong pangakong panlipunang responsibilidad at pagtugon sa sakuna o kalamidad, na nagpapatibay ng kanyang gampanin hindi lamang sa imprastraktura kundi sa pangangalaga rin ng komunidad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.