ISANG sindikato na nagbebenta ng pekeng immigration stamps ang nabulgar ng Bureau of Immigration (BI) matapos masabat ang apat pang biktima ng trafficking na tinangkang umiwas sa immigration clearance gamit ang naturang pekeng departure stamps.
Isa sa mga biktima ang isang 40-anyos na lalaki na tinangka umanong sumakay ng isang Cathay Pacific flight patungo ng Hongkong matapos magpakita ng pasaporte na may kaduda-dudang selyo.
Inamin ng biktima na inalok siya ng trabaho ng isang babaeng recruiter na nakilala niya sa Facebook at humingi ng P120,000 bilang processing fee at pangakong makakaiwas siya sa immigration na hindi mapupuna.
Ang iba pang mga biktima, isang 32-anyos at isang 27-anyos na babae, at isa namang 24-anyos na lalake, na pawang mga biktima ng trafficking ang pinigil bago pa man sila makasakay ng Jetstar flight biyaheng Singapore dahil sa kaduda-duda din ang selyo.
Sinabi ng mga biktima na may kaibigan sila sa Cambodia para sa bakasyon pero sa bandang huli ay inamin na ni-recruit lang siila na magtrabaho bilang mga call center agent na may P50,000 na suweldo sa 12-oras na pagtatrabaho.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga biktima ay na-reruit sa isang scam hub sa abroad na nagpapanggap na call centers.
“Similar to the previous schemes, recruiters directed their victims to meet a supposed contact at a fast food chain inside NAIA Terminal 3. This contact would typically take the victims’ passports and boarding passes, then return them with counterfeit stamps,” ayon kay Tansingco.
“These syndicates give false promises of greener pastures,” said Tansingco. “Despite their appealing facade, their exploitative practices can lead to serious repercussions,” dagdag pa nito.
Ang mga biktima ay nai-turn over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking habang sasampahan naman ng kaso ang kanilang mga recruiter.