POSIBLE umanong makaranas ng pagkabaog ang mga lalaking tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay ito sa resulta ng pag-aaral ng University of Miami Miller School of Medicine sa Estados Unidos.
Lumabas umano sa awtopsiya ng anim na lalaking nasawi sa COVID-19 na ang ilan sa kanila ay mayruong tinatawag na impaired sperm function at nang lumaon ay sinira na ng virus ang testis tissue.
“We also identified the presence of the virus in a man who underwent a testis biopsy for infertility but had a previous history of COVID-19,” ayon kay Dr. Ranjith Ramasamy, associate professor at director ng reproductive urology sa Miller School.
“So the patient tested negative and was asymptomatic after having COVID-19 but still showed the presence of the virus inside the testes,” dagdag pa nito.
Dahil dito, posible umanong maapektuhan ang sperm production ng isang lalaking COVID-19 patient.
Idinagdag pa ng pag-aaral na maaari ring makahawa sa pagtatalik o maging sexually transmitted ang COVID-19.
“If you’re sexually active and if you had a history of COVID, you should certainly checked out and make sure that it is negative because attempting sexual intercourse,” dagdag ni Ramasamy.
Ayon pa sa mga researcher, karaniwang target ng virus ang mga organ ng tao na matatawag na angiotensin-converting enzymes receptors na marami sa mga kidney, baga, puso at testes. Gayunman, kakailangan pa rin umano ang ibayong pag-aaral sa nasabing obserbsyon.