Breaking News

Share this information:

INAMIN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel na hindi nila planong makilahok sa nakatakdang general assembly ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) sa ika-17 ng Hulyo kung saan inaasahang magpapasya ang nakararami sa nais nilang mamuno sa partido.

Aniya, pinasukan na ng mga delegadong “flying voters” ang kanilang partido.

Dagdag pa ni Pimentel na executive vice-chairman ng PDP-Laban, hindi nila kinikilala ang pagpapatawag ng pulong kung saan kabilang sa mga dadalo ay mga “instant members” na nabigyan ng pribilehiyong maghalal ng mamumuno sa partido.

Mungkahi niya, rebisahin ang membership roster ng kanilang partido, kasabay ng pahayag na sa buwan pa ng Setyembre gaganapin ang lehitimong  national assembly ng partido.

Kwestiyonable din aniya ang biglang pagpapalobo ng paksiyong pinamumunuan ni PDP-Laban Vice Chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi sa membership ng partido.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: