BILANG ng mga dumalaw sa New Bilibid Prison (NBP) nitong nakaraang Holiday Season, pumalo sa higit 7,000 na mga kamag-anak, asawa, kapatid at mga kaibigan.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntunlupa City, nakapagtala sila ng mataas na bilang ng mga dalaw sa NBP noong Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. umabot sa 7,168 na kaanak at kaibigan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) ang dumalaw sa bilibid mula Disyembre 23 hanggang Enero 2.
Sa nasabing bilang, 4,676 ang regular family habang na sa 2,492 ang stay-in o conjugal visits.
Ayon kay Catapang, karamihan sa mga PDLs ay buhay ang pagbisita ng kanilang Kaanak na nagbigay sa kanilang emoptional support upang mabawasan ang kanilang kalungkutang habang nasa kulungan.

