Mga dayuhang nagtangkang mag-apply ng visa sa Pilipinas, inilagay ng BI sa blacklist

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 400 na mga dayuhan na naga-apply ng visa para makapasok sa Pilipinas ang inilagay nito sa blacklist.

Ito ay matapos madiskubre ng ahensya na peke ang petisyon na inihain ng sinasabing papasukan na kumpany ng mga dayuhan dito sa Pilipinas.

Nakipag-ugnayan naman si BI Commissioner Norman Tansingco kay Department of Justice Secretary Crispin Remulla at nagbigay na ito ng naging takbo ng kanilang imbestigasyon.

Naniniwala naman si Tansingco na ang mahigit 400 na mga dayuhan na kanilang inilagay sa blacklist ay “tip of the iceberg” lamang o maliit pa kumpara sa totoong numero ng mga dayuhan na nagtatangkang pumasok sa bansa sa pamamagitan ng ilegal na pamamaraan.

Sa inisyal naming imbestigasyon, nasa 40 travel agencies at liaison officers ang hinihinalang sangkot sa iskema, at iniulat rin namin sa SOJ (Secretary of Justice) ang kabuuang 116 na employer na nakita nating mga peke,” ayon kay Tansingco.

Noong 2023, nasa kabuuang 459 dayuhan ang inilagay ng BI sa blacklist makaraan ang audit ng Verification and Compliance Division (VCD) na nagsiwalat na gumagamit ang mga dayuhan ng mga pekeng kumpanya para sa kanilang 9(g) visa application.

Last November, we recommended to the SOJ the cancellation of the visas of these aliens, as well as the issuance of show case orders against those who involved in the application,” ayon pa kay Tansingco.

Inirekomenda rin ni Tansingco ang paghahain ng show cause order sa apat na abogado ng BI at abolisyon sa Legal Division task force.  Isang fact-finding group din ang binuo para mas malalim pang mag-imbestiga sa insidente na kinasasangkutan ng apat nilang abogado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.