Mga bagong kaso ng COVID-19, pumalo sa 3,439 ngayong araw

Share this information:

Lalo pang tumaas ang bilang ng mga bagong kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) na naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH).

Batay sa datos ng kagawaran, umabot sa 3,439  ang nadagdag ngayon sa kaso ng mga tinamaan ng naturang sakit, dahilan para umakyat na sa 591,138 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umabot naman sa 535,350 ang mga recoveries dahil sa bagong 160 na gumaling mula sa nakamamatay na sakit.

Nasa 12,465 naman ang kabuuang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 matapos na madagdagan pa ng 42 katao na pumanaw ngayong araw.

Sumirit din ang aktibong kaso sa 43,323 kung saan 95.7 percent ang mild at  asymptomatic.

Sa pagtaas ng kaso sa ilang lugar sa Metro Manila, nakadagdag rito ang nagsulputang mga variant tulad ng South African at UK variant  kaya naman gumagawa ngayon ang DOH, kasama ang ilang mga local government units na may mataas na kaso ng COVID-19, ng mga hakbangin upang mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso at pagkalat ng virus sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lorenzana reveals he didn’t take Sinovac

Sat Mar 6 , 2021
By John Clifford Lintao TAKING cue from a viral photo that had him being injected with the China-made CoronaVac COVID-19 vaccines from Sinovac, Defense Secretary Delfin Lorenzana has admitted that such is just a “photo ops.” Lorenzana categorically denied receiving the Sinovac jab in his visit to the Southern Philippines […]

Follow Us

%d bloggers like this: