Metro Manila posibleng isailalim na sa MGCQ sa Nobyembre

Inilutang ang posibilidad na mailagay na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Nobyembre sa Metro Manila kung patuloy na bababa ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at nasusunod ang minimum health protocols.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang chairman ng Metro Manila Council (MMC), positibo silang magbabago na ang quarantine status sa National Capital Region at paiiralin ang MGCQ kung pahihintulutan din ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon ay ilang buwan nang nasa ilalim ng GCQ ang NCR. Sa ilalim ng MGCQ, mas maraming negosyo ang papayagan na ang operasyon ngunit mahigpit pa rin ang implementasyon ng public health measures tulad ng pagsusuot ng face masks at face shield at physical distancing.

Palagay ko po hanggang katapusan ng October na ito, matapos natin ang GCQ at hopefully with God’s graces, ito pong dadating na November baka mag-MGCQ na po tayo sa pahintulot ng ating mahal na Presidente,” pahayag ni Olivarez.

Samantala, sinabi ni Olivarez na pinag-aaralan na ring mapaluwag ang pinaiiral ngayong curfew.

Sa susunod po na meeting po namin, iyan po ay isa sa main agenda po natin para mabuksan na po natin ang economy,” dagdag ng alkalde.

Nauna nang sinabi ng University of the Philippines OCTA research team nuong nakaraang linggo na ang rate of transmission, bilang ng mga kaso, positivity rate, at hospital resource utilization ay pababa na sa NCR. “But this positive trend is not irreversible and significant efforts have to be undertaken by all stakeholders to sustain it,” ayon pa sa mga eksperto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.