Mayor Sara, nanawagan na huwag gamitin ang kanyang pangalan sa mga transaksyon

NAKIUSAP si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang mga tagasuporta na huwag gamitin ang kanyang pangalan sa mga personal na transaksyon.

Ang pahayag ni Sara ay kasunod ng pagkalat ng isang video sa social media kung saan tatlong lalaki sa Davao International Airport habang nag-uusap tungkol sa paggamit sa eroplano para sa campaign materials

Ayon kay Duterte-Carpio, wala siyang kahit sinong sinasabihan pa na siya ay tatakbong presidente ng bansa.

Hindi rin aniya siya nakikipagpulong sa kahit kanino tungkol sa paggamit ng eroplano para sa kanyang pangangampanya.

Ani pa ng alkalde, hindi rin niya kilala ang mga nasa video na sinasabing sina PSI Manager Gino Bong Acquia, TG Ponce, at ang political coordinator ng “Ituloy Ang Pagbabago Movement” o IPM.

Hindi rin umano siya miyembro at kunektado sa anumang aktibidad ng IPM.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.