Breaking News

Share this information:

IPINAHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kahandaan nito pagdating sa usapin ng supply ng oxygen tank para sa mas nangangailangang pasyente ng COVID-19.

Katunayan, mataas pa ang “reserved” na supply ng oxygen sa anim na mga district hospital sa Maynila, gayundin sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Ang kabuuan na bilang ng ginagamit ngayon na oxygen tank sa anim na ospital ay nasa 374 kung saan may 1,305 ang nakareserba pa.

Ang may pinakamataas na nagagamit na oxygen tank ay ang Ospital ng Maynila na umabot na sa 108 mula sa 544 na oxygen tank.

Ang COVID-19 Field Hospital naman ay mayroon nang 48 na ginagamit at may reserba pang 129 mula sa inilaang 237 oxygen tanks. 

ito ay batay sa oxygen tank inventory ng Manila |Health Department sa mga ospital nitong September 13.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: