Breaking News

Share this information:

INIHAYAG ng lungsod ng Maynila na hinihintay na lamang nila ang abiso ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) para masimulan ang pagbabakuna sa pediatric group sa lungsod.

Ayon kay Manila Mayor Francisco Domagoso, handa na ang lungsod para sa vaccination roll out para sa mga batang edad 12-17 o ang pediatric group.

Ayon sa alkalde, agad nang sisimulan ang pagbabakuna sa mga kabataan sa oras na maglabas ng desisyon ang gobyerno dahil mayroon nang naitabi na bakuna para sa kanila.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 39,000 na mga kabataan na  edad 12 hanggang 17 anyos ang nakapagpatala  sa “online pre-registration” ng lokal na pamahalaan na www.manilacovid19vaccine.ph.

Sa isang press briefing, sinabi naman ni DOH Spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan munang maabot ang coverage sa mga nakakatanda at kapag sapat na ang suplay ng bakuna sa bansa

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: