Breaking News

Share this information:

NATAPOS na ang paggawa ng Manila COVID-19 Field Hospital na itinayo sa Burnham Green sa Rizal Park.

Ang nasabing pasilidad ay nauna nang sinabi ni Manila Mayor Francisco Domagoso na target matapos sa loob ng dalawang buwan..

Naging puspusan naman ang ginawang pagtatrabaho ng mga manggagawa na pinasalamatan ng alkalde dahil natapos ito sa 52 araw kung saan sila ay inabutan din ng kaunting pakunswelo o bonus sa kanilang naging paghihirap na maitayo ang pasilidad.

Ang field hospital ay may lawak na 2.6 hectares na kayang pagsilbihan ang  mga  pasyenteng may “mild” at “moderate” symptoms ng COVID-19.

.Layunin ng itinayong field hospital na mabawasan ang kapasidad sa mga pampublikong ospital.

“Sa mga namatayan ng kuko, napaso, natusok ng alambre, nasaludsod ng plywood, napukpok ng martilyo dahil madilim, nagtatrabaho pa rin, gusto ko lang ibahagi sa inyo ang tagumpay na ito. Parte kayo ng kasaysayan,” sambit ni Domagoso sa mga manggagawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: