PUSPUSAN ang ginagawang paghahanda ng lungsod ng Maynila para sa gaganaping “Heroes’ Welcome” para sa mga atletang Pinoy na sumabak sa katatapos lamang 2024 Olympics na ginanap sa Paris, France.
Kabilang sa paghahanda ay ang pagsasagawa ng fogging at misting na ginawa ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa loob at paligid ng Rizal Memorial Sports Complex para maiwasan ang pamamahay ng mga lamok sa naturang lugar habang isinasagawa ang programa para sa mga atleta.
Bukod sa Rizal Memorial Sports Complex, isinama na rin sa fogging at misting ang Department of Tourism Culture and Arts of Manila.
Bukas, isasagawa ang programa ng pasasalamat sa mga manlalarong Pilipino na naging kinatawan ng bansa sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympics.

