NAKATANGGAP ang lungsod ng Sta. Rosa, Laguna ng mga donasyon mula sa online shopping na Lazada nito lamang na Disyembre 12, 2020.
Handog ang 12.12 Sale ang 1000 grocery packs ,tubig, facemasks faceshields at iba pa na tinanggap ni Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas .
Ang tinaguriang “Lion City” ng Laguna ay isa sa mayroong pinakamalaking hub nito.
Bilang taos-pusong pasasalamat ay hinandugan nila ng kaunting regalo ang mga mamamayan ng Sta. Rosa para sa darating na kapaskuhan.