Lalaking nag bomb-joke sa NAIA hindi kinasuhan ng PNP

ISA na naman lalaking pasahero ng eroplano na patungo sana sa Guam ang nagbiro na may dalang bomba sa kanyang bagahe noong nakalipas na Biyerness a Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Nang idaan ang bagahe sa X-ray operator ng Office for Transportation Security (OTS) na may hinalang may laman ang bagahe sa screening sa north ramp baggage inspection area hiniling na buksan ito batay sa umiiral na standard security protocols.

Sisimulan na sana ng tauhan ng OTS kung ano ang laman ng bagahe nang pigilan ito ng pasahero sa pagsasabi ng “Huwag n’yo ’yan galawin, may bomba ’yan.”

Dito na iniulat ng OTS sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP Avsegroup) ang pangyayari na dahilan upang kumilos ang Explosive Ordnance Division (EOD) at Canine Unit para sa paneling operations, at sinabing walang anumang uri ng pampasabog sa loob ng maleta.

Hindi naman nagreklamo ang pangasiwaan ng airline, kaya sinabihan na lang ang pasahero na makipag-ugnayan sa airline para sa rebooking arrangements.

“We strongly urge the public to be responsible and refrain from making bomb-related remarks. Any reference to bombs or threats, whether intended as a joke or not, is treated as a serious security concern and will be acted upon accordingly,” pahayag ni PBrig. Gen. Dionisio B. Bartolome Jr., director ng PNP Avsegroup.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.