Lalaki na nawawala matapos malunod sa Laguna de Bay, narekober na

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap sa nawawalang lalaki na nalunod sa Laguna de Bay sa Calamba City noong araw ng Linggo ay natagpuan na ng mga awtoridad sa Cabuyao City ang labi nit

Pasado alas 3 ng madaling araw ng Martes, Disyembre 15, ng matagpuan ang biktimang si James Bryan Laude ,34 anyos, sa boundary ng Mamatid at Baclaran.

Si Laude ang nag-iisang nawawala sa tumaob na bangka noong nakaraang Linggo Disyembre 13 matapos pumalaot sa maaalon na lawa sakay ang mga kasamang sina Florante Obciara,50 anyos, Mervin Villapando, 35, Polinar Casipit, 25, James Christopher Columbres,32 anyos at Zaurie Denver  Norte,11 anyos na siyang naisalba ng isang mangingisda.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) head na si Mr.Jeffrey Rodriguez,maaring nawalan ng panimbang ang nasabing bangka dahil sa malakas na alon kaya’t tumaob ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.