Breaking News

Share this information:

NABISTO ng mga operatiba ng Manila Police District – Special Mayor’s React Team (MPD SMART)  na drug courrier pala ang lady driver na naunang  inaresto dahil sa pananakit at pambabastos sa  isang traffic enforcer kamakalawa sa Maynila. 

Ito ay matapos maaresto  ang mga suspek na sina Rendor Sanchez y Esqueta, 30 anyos, Leopoldo Salamero y Melliza, 20 anyos, at Marlon De Guzman y Acueza, 29 anyos, pawang mga residente ng Calamba, Laguna, sa ikinasang entrapment operation sa may tapat ng Universidad de Manila sa Ermita St., Malate.

Magugunitang naaresto ang lady driver na si Pauline Mae Altamirano, 26 anyos, dahil sa paglabag sa batas trapiko na nauwi sa pananakit sa traffic enforcer. 

Pagdating sa presinto ay nakuhanan ng ilegal na droga ang bag ni Altamirano at nang siyasatin ng pulisya ang cellphone nito ay nabisto ang transaksyon nito sa tatlo pang suspek.

Inakala ng tatlong suspek na si Altamirano ang kanilang katext subalit mga pulis na pala, na nauwi sa matagumpay na entrapment operation. 

Ang tatlong suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Sec 11 at 26 ng RA 9165. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: