Kontribusyon ng SSS members, tataas sa 2021

Share this information:

TULOY at wala nang planong ipagpaliban pa ng Social Security System (SSS) ang pagdadagdag ng kontribusyon ng mga miyembro nito.

Sinabi ni SSS President Aurora Ignacio, tuloy na ang naunsyaming pagtataas ng ‘monthly contributions’ sa pagtungtong ng unang araw ng Enero 2021.

Makailang beses na kasi itong hindi ipinatupad ng SSS dahil sa pandemya.

Ayon kay Ignacio, simula sa Enero 2021, ang mga kumikita ng P20,000 kada buwan ay magdagdag ng P850 sa kanyang monthly contributions habang iaakyat naman sa P25,000 ang maximum monthly salary credit.

Mula sa dating 12% ay itataas ito sa 13% pagpasok ng Bagong Taon.

Aniya, habang pinag-aaralan pa rin umano ng SSS kung dadagdagan naman ng P1,000 ang pension ng mga retirado dahil posibleng makaapekto umano ito sa kanilang pondo.

Samantala, inilunsad naman ng SSS ang bagong programa para sa mga retirado kung saan simula sa Enero ay magsisimula na ang Workers Investment Savings Program at maaaring makasali dito ang mga empleyado, overseas Filipino workers (OFWs), self-employed at mga voluntary members.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.