Kasong “contempt,” inihain sa Korte Suprema laban sa mga opisyal ng Comelec

NAGHAIN si dating Caloocan Second District Representative Edgar Erice ng petisyon sa Korte Suprema laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia kaugnay pa rin sa kahina-hinalang kontrata ng Miru System para sa 2025 elections.

Sa tatlong pahinang Motion to Cite in Contempt, sinabi ni Erice na walang ibang layunin si Garcia kundi ang maimpluwensyahan ang korte pabor sa Comelec bago pa man marinig ang mga argumento ng lahat ng partido.

Sinabi ni Erice na dapat igalang ng Comelec ang magiging desisyon ng Korte Suprema.

Ang pahayag ay kaugnay sa inilabas na pahayag sa publiko ni Garcia na walang sinuman sa mga partido ang maaaring makahula kung paano maghatol ang hukuman sa kasalukuyang petisyon dahil ang anumang mga pahayag na nauukol sa mga kahihinatnan ng anumang desisyon na ilalabas ng korte ay “premature.”

Pinangungunahan niya po ang Korte Suprema — gusto niya pong i-sway yung public opinion.”

Iginiit ng kongresista na napakaraming “red flags” at mga kaduda-dudang pangyayari at walang ibang may kasalanan dito kundi ang Comelec.

Sinabi ni Erice na hindi ito titigil dahil hanggang ngayon ang presentasyon ng Miru ay hindi pa rin ginagawa.

[Comelec Chairman] George Garcia is no longer the face of Comelec, Chairman George Garcia is now becoming the face of Miru,” pagbibigay-diin ni Erice.

Idinagdag pa ni Erice na ginagawa ni Garcia ang lahat para protektahan ang P18-bilyong anomalya sa kontrata ng Comelec at Miru para sa 2025 poll automation project.

Hindi po ako titigil –next week I will be filing graft charges against Comelec officials including the Bids and Awards Committee,” sinabi pa ni Erice.

Sa naunang petisyon na inihain ng kampo ni Erice, inatasan ng korte noong Mayo 21, 2024 ang mga respondents, ang Comelec en banc, Joint Venture Miru System Co. Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation at Centerpoint Solutions Technologies, Inc.

Naghain naman ang mga respondent ng kani-kanilang “motions for extension of time” upang bigyan sila ng korte ng hanggang bukas, Hulyo 17, 2024 upang maghain ng kanilang komento sa naunang petisyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.