Breaking News

Share this information:

NILINAW ngayon ng Department of Health (DOH) na tinatalakay pa ang pagbibigay ng booster doses.

Ayon sa DOH, wala pang pinal na rekomendasyon ang mga eksperto maging ang ahensya hinggil dito.

Ang abiso ng kagawaran ng kalusugan ay kasunod ng pahayag ni vaccine czar  Secretary Carlito Galvez na target nang mabakunahan ang mga health care workers ng booster doses sa katapusan ng Oktubre o sa Nobyembre.

Ang All Expert Group ng ahensya, ayon naman kay DOH Spokesperon at Usec Maria Rosario Vergeire ay maingat na tinatalakay ang isyu ng booster shots.

The DOH All Expert Group, together with the DOH, is still carefully deliberating this. There is no final recommendation yet from the experts, nor approval from the DOH on the administration of booster shots.”

Paliwanag ni Vergeire, wala pa rin approval mula sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) o maging sa All Expert Group (AEG) sa ngayon.

Dagdag pa ni Vergeire, ang VEP o Vaccine Expert Panel ay nagbigay na ng kanilang rekomendasyon ngunit ito ay tatalakayin pa rin ng AEG, at magpapasya ang DOH batay sa mga rekomendasyon mula sa mga dalubhasa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: