Breaking News

Share this information:

ITINUTULAK ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng mas mahigpit na border control upang maiwasang makapasok sa Pilipinas ang mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, sa halip na palawakin pa ang travel ban sa mga bansang apektado na ng naturang variant of concern.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Delta variant ay natukoy na sa may 92 bansa at hindi naman aniya maaaring magpatupad ang Pilipinas ng ban sa lahat ng mga naturang bansa.

Dahil dito, ang rekomendasyon aniya nila ay paigtingin pa ang border control sa bansa, sa halip na magpatupad pa ng karagdagang travel bans.

“According to our experts and even discussing with other officials, we cannot ban all of the countries affected now by the Delta variant,” ani Vergeire, sa panayam sa telebisyon. “We cannot isolate the Philippines from all of these countries.”

“It was part of the recommendation and also coming from our experts [that] it’s very irrational that we will be restricting all of these countries for this [variant],” aniya pa.

Nauna rito, pinalawig pa ng pamahalaan hanggang sa Hulyo 15 ang temporary travel ban sa mga biyaherong mula sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, at Bangladesh dahil sa banta ng Delta variant, na unang natukoy sa India.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 17 kaso ng Delta variant na natukoy sa Pilipinas ngunit lahat ng ito ay returning overseas Filipinos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: