Isko, susunod sa polisiya ni PDU30

Share this information:

Ipinahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sususnod ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte  na “no vaccine roll-out, no MGCQ policy.“

Naniniwala si Domagoso na may darating na bakuna sa mga darating na araw o linggo at kapag nadeploy na ang mga bakuna kontra COVID-19, pupuwede nang magbukas ng magbukas ng negosyo.

Ayon pa kay Domagoso, kailangan gumawa ng agresibong polisiya, programa at aksyon para muling buhayin ang ekonomiya at muling magkaroon ng komersyo upang magkaroon din ng mas maraming trabaho lalo na sa mga apektado ng pandemya.

Dagdag pa ng alkalde, ang agresibong pagbubukas ng ekonomiya ay may kaakibat na agresibong pagbabantay.

Sa loob aniya ng 11 buwang kasanayan at karanasan na may virus sa buhay natin, marami na dapat ang natutunan kaya ang dapat na magiging  polisiya ngayon ay “Buhay at Kabuhayan.”

Kaya sang-ayon ang alkalde na kapag may bakuna na ay maari nang mag MGCQ.

Dagdag pa ng alkalde na lagi namang handa ang pamahalaang lungsod ng Maynila.

“We are always ready. Hindi lang natin syempre ma-quantify yung epekto at ayaw rin naman natin na maging bulagsak o pabaya as far as the city of Manila is concerned. Since October hanggang ngayon nasa 300-level margin ang impkesyon sa Maynila.”

Napangalagaan naman aniya ito sa kabila ng  pagdiriwang ng Christmas, New Year, Pista ng Poong Nazareno, Pista ng Sto. Nino, at iba pang aktibidad sa Maynila na patuloy na bukas sa mamamayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.