Ilang bahagi ng Roxas Blvd., isasara sa Disyembre 7

ILANG bahagi ng Roxas Blvd. ay pnsamantalang isasara bukas, Disyembre 7, 2024.

Ang bahaging isasara ay ang southbound lane ng Roxas Blvd. upang bigyang-daan ang gagawing “Takbo Para sa Kalikasan 2024.”

Dahil dito, nag-abiso na sa mga motorista ang lokal na pamahalaan ng Maynila na gumamit ng mga alternatibong ruta.

Ang pagsasara ay gagawin sa naturang petsa mula ala-una hanggang alas-singko ng madaling araw, ayon sa lokal na pamahalaan..

Magsisimula ang nasabing aktibidad sa CCP Complex sa Pasay City kung saan iikot ang mga sasali sa Roxas Blvd.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.