“Huwag matakot sa bakuna”– DOH, Calamba Mayor

Share this information:

CALAMBA CITY, LAGUNA–Sinabi ni Calamba City Mayor Justin Chipeco sa publiko na huwag mangamba sa bakunang gawa ng Chinese biopharmaceutical company na Sinovac at huwag basta maniwala sa mga maling impormasyong kumakalat tungkol dito.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi nito na  “Huwag ho tayong madaan agad sa takot, sa bagay na hindi natin alam. Ang maganda po alamin natin, pag-aralan natin ng mabuti.”

Mayroon kasing kumakalat na maling impormasyon na hindi umano epektibo ang bakunang “CoronaVac,” na gawa ng Sinovac na nagdulot naman ng agam-agam sa publiko.

“Ang Sinovac, bagaman gawa sa China, they use the traditional method of manufacturing the vaccines, which is killing the virus itself at ini-introduce sa katawan natin so that our immune system can identify it,” dagdag pa ni Chipeco.

Hinihintay na lamang ng Calamba City ang pagdating ng bakuna upang masimulan na ang vaccination rollout sa lungsod kung saan nakapaglaan na ng P200 milyon ang lokal na pamahalaan ng Calamba.

Samantala, wala namang nakikitang dahilan si Department of Health Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo upang matakot ang mga mamamayan sa pagpapabakuna.

Aniya, lahat ng klase ng bakuna ay pinakamagaling dahil pangunahing layunin ng mga ito na bigyan ng panlaban ang mga tao sa nakakahawa at nakakamatay na sakit na COVID-19.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon at kampanya ng Department of Health sa iba’t-ibang hospital upang mas tumaas pa ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

No bank in sight? Go to 7-Eleven stores

Thu Mar 11 , 2021
If you don’t see any bank in sight, don’t fret. You don’t need to go far anymore and brave the searing summer heat just to go to a bank ATM and transact. Do everything with ease, either cash withdrawal and balance inquiry via ATM at 7-Eleven stores in Metro Manila […]

Follow Us

%d bloggers like this: