UMAPELA ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga COVID-19 survivors na magdonate ng kanilang convalescent plasma upang matulungan ang mga tinamaan ng naturang sakit.
Sinabi ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon na ang kaso ngayon sa bansa ay patuloy na tumataas at kailangan ng sapat na suplay ng convascent plasma upang tulungan ang mga naka-admit sa iba’t-ibang hospital dahil sa COVID-19.
Ayon pa sa PRC Chair, maaaring magdonate ng convalescent plasma ang mga gumaling na sa naturang sakit sa convalescent plasma center ng PRC.
Napag-alaman na sa pamamagitan ng convalescent plasma ay matutulungan na gumaling ang isang pasyente na may COVID-19.
Ginawa ni Gordon ang panawagan sa gitna ng mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso o tinmatamaan ng sakit kung saan karamihan na rin sa mga ospital ay halos puno na ang kapasidad para sa COVID-19 patient.