Fake Doctor, arestado ng NBI

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal dahil sa illegal practice of medicine.

Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang suspek na si Gerlon Sadsad.

Nag-ugat ang pagkakaaretso ng suspek nang i-refer ng Brigada GMA News and Public Affairs sa NBI ang umanoy iligal na gawain ni Sadsad hinggil sa injection treatment ng isang complainant.

Napag-alaman na inineksyunan umano ni Sadsad ang complainant na nagresulta ng discoloration at pamamaga ng bahagi ng tinurokan.

Nang iberipika sa Professional Regulation Commission (PRC), nalaman na walang lisenysa ang suspek o authority to practice medicine.

Nang mag-set ang suspek ng follow up treatment sa complainant ay dito na ikinasa ng NBI ang entrapment operation sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong City na nagresulta sa pagkakaaresto ni Sadsad.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang gamit at hindi pa gamit na syringes, needles, topical anesthesia, 0.9% sodium chloride, wooden spatula, alcohol swabs, kitchen wrap, gauze pad at underpants.

Isasalang sa Inquest proceedings ang suspek sa City Prosecutors Office sa Mandaluyong sa paglabag sa RA 2382 o The Medical Act of 1959 at Estafa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.