EUA ng Pfizer COVID-19 vaccine, aprubado na ng FDA

INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Ayon FDA director General Eric Domingo, resulta ito ng ginawang assessment at pagsusuri ng mga eksperto.

Nakita umano sa pagsusuri na mas ligtas at kakaunti ang negatibong epekto ng bakuna ng Pfizer.

Ang approval ay lumabas matapos ang aplikasyon nito sa Pilipinas nuong Disyembre 23, 2020.

Bago ang Pilipinas, una nang nagbigay ng EUA sa Pfizer ang USA, United Kingdom, Euriopean Union, Canada, Switzerland at Singapore.

Patuloy naman ang assessment sa iba pang mga bakuna habang hinahanapan pa ng Phase 3 clinical trial report ng FDA ang Sinovac na nag-apply lang nuong Enero 13.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.